Narito ang kabuoang post ni Dyer Lin:
Nanay lang yung nanay ko… May malasakit sa pamilya… Pumunta ang mga Pulis sa amin para arestohin ang aking kapatid ng walang warrant of arrest… Paanong nangyari yun? Kahit sa mga pelikula laging may roong warrant of arrest bakit in real life wala. Noong pumunta ang nanay at ang kapatid ko sa Brgy. walang nangyaring matinong pag-uusap… Kulong agad? Agad-agad? Malamang gagawin mo din yung ginawa ng nanay ko.
May death threath ang kapatid ko dahil sa pagpuna niya sa illegal na pagbebenta ng buhangin sa sadsaran. Pinoprotektahan lang niya ang kapatid ko katulad ng pag protekta niya sa kalikasan. Hindi kami kasing yaman nila pero katulad nila may boses din kami. Sana hindi na danasin ito ng kahit na sino man dahil sa malasakit sa pamilya komunidad at kalikasan.
Kapag nakita mong may dapat baguhin tama naman sigurong gumawa ng hakbang para sa pagbabago di ba? Bakit kailangang may death threath? Bakit kailangang may makulong? Ang dami ng nalalagay sa alanganin pero kakaunti lang ang may lakas ng loob. Nanay ka rin. Kapatid ka rin. Asawa ka rin.
Post a Comment
Post a Comment